ANG BAYAN KONG BASISTA
ni: Devet M. Soriano
Kapag naririnig ang ngalang "Basista",
Ang nasa isipa'y tatak ng orkestra,
Ngunit ang totoo ay higit pa riyan
Ang alaala kong ngayo'y itatanghal.
Matibay na lubid ang buhay ng bayan
Na sumasalamin sa pagkakaisa
Kaya twing ang diway aking masilayan,
Buklod ng pamilya'y aking nakikita.
Pag iyong nasilip ang mga kabahayan
Na mayrong abaka at "pyet" din kung minsan
At mga taong dito'y nangagtutulugan,
"Ito ang bayan ko!", walang alinlangan.
Maliit kung sa bilang lang ng Barangay
At ng sukat nitong di rin mailugay,
Ngunit kung ang diwa ay 'yong tututukan
Saka masusukat ang tunay na kinang.
Kung ihahambing din sa iba pang bayan,
Kapayapaan nyang aking pinupuri,
Wala na sigurong maaring lumamang
Kahit ang kapalit ay duyang maliksi.
Ako'y nagagalak sa bawat pag-uwi
At nasusulyapa'y bukid na matingkad,
Lahat ng problemang sa 'ki'y humahawi
Ay napapawi rin habang naglalakad.
Sana sa darating pang mga henerasyon
Ay di mawala ang masinop na nayon
At kapayapaa'y palaging hahagkan
Upang itong baya'y tuluyang umangat.
ni: Devet M. Soriano
Kapag naririnig ang ngalang "Basista",
Ang nasa isipa'y tatak ng orkestra,
Ngunit ang totoo ay higit pa riyan
Ang alaala kong ngayo'y itatanghal.
Matibay na lubid ang buhay ng bayan
Na sumasalamin sa pagkakaisa
Kaya twing ang diway aking masilayan,
Buklod ng pamilya'y aking nakikita.
Pag iyong nasilip ang mga kabahayan
Na mayrong abaka at "pyet" din kung minsan
At mga taong dito'y nangagtutulugan,
"Ito ang bayan ko!", walang alinlangan.
Maliit kung sa bilang lang ng Barangay
At ng sukat nitong di rin mailugay,
Ngunit kung ang diwa ay 'yong tututukan
Saka masusukat ang tunay na kinang.
Kung ihahambing din sa iba pang bayan,
Kapayapaan nyang aking pinupuri,
Wala na sigurong maaring lumamang
Kahit ang kapalit ay duyang maliksi.
Ako'y nagagalak sa bawat pag-uwi
At nasusulyapa'y bukid na matingkad,
Lahat ng problemang sa 'ki'y humahawi
Ay napapawi rin habang naglalakad.
Sana sa darating pang mga henerasyon
Ay di mawala ang masinop na nayon
At kapayapaa'y palaging hahagkan
Upang itong baya'y tuluyang umangat.
emanilapoetry - Exponent of today's Filipino poetry